Wednesday, May 30, 2012

romblon, ikaw lang ang mahal ko, october 17,2010, lyrics/melody by silvestre j. acejas, original title: at ngayong malapit na muling sumapit ang pasko...

dear diary,
kanina ay nagtatapon ako ng mga carton sa basurahan... sa dami ng mga carton na tinatapon ko, ako ay maraming beses na pabalik balik para kunin yong mga natitira pang carton para dalhin sa basurahan... noong pagbalik ko minsan para kunin yong carton ay naisip ko na subukan ko gumawa ng kanta tungkol sa ginagawang pabalik balik ko sa pagtapon ng carton sa basurahan...ito ang kinalabasan noong kanta kung nabuo:

title: ngayong malapit na muling sumapit ang pasko
lyrics/melody by silvestre j. acejas
written: october 17,2010

I
ikaw lang ang mahal ko
mamahalin ng buong puso ko
saan man ako mapunta
lagi kitang taglay sa aking ala-ala

chorus:

kahit na ako ngayon ay napalayo
ikaw pa rin ang tinitibok ng aking puso
asahan mo sinta na sa piling mo
babalik at babalik din muli ako

kahit na ako ay nalulungkot
di ko magawang sa iyo ako ay makalimot
ang sumpa ko sa iyo ay sadyang mahalaga
higit pa ito sa sariling buhay ko aking sinta

at ngayong malapit na muling sumapit ang pasko
halos di ko mapigilan na pumatak sa mata ang mga luha ko
halos pumutok na din ang dibdib ko sa tindi ng sakit
di naman ako nagtataka giliw ko kung bakit

II
ikaw lang ang mahal ko
pagibig ko'y para lamang sa iyo
wag ka na sanang nag-a-alala
sa buhay ko ay wala ng iba pa


chorus:

kahit na ako ngayon ay napalayo
ikaw pa rin ang tinitibok ng aking puso
asahan mo sinta na sa piling mo
babalik at babalik din muli ako

kahit na ako ay nalulungkot
di ko magawang sa iyo ako ay makalimot
ang sumpa ko sa iyo ay sadyang mahalaga
higit pa ito sa sariling buhay ko aking sinta

at ngayong malapit na muling sumapit ang pasko
halos di ko mapigilan na pumatak sa mata ang mga luha ko
halos pumutok na din ang dibdib ko sa tindi ng sakit
di naman ako nagtataka giliw ko kung bakit

at ngayong malapit na muling sumapit ang pasko
halos di ko mapigilan na pumatak sa mata ang mga luha ko
halos pumutok na din ang dibdib ko sa tindi ng sakit
di naman ako nagtataka giliw ko kung bakit

di ko akalain na dahil lang sa pagtapon ng carton sa basura ay makakabuo ako ng isang maikling kanta na may kinalaman sa pagsapit ng pasko... para sa isang katulad ko na walang taglay na katutubong kaalaman sa larangan ng musika, talaga namang isang malaking bagay na ang makabuo ako ng isang kanta dahil lang sa pagtapon ko ng carton sa basura...at kung tutuusin na noong araw ni hindi ako makasulat ng tula o poem sa english, malaking kasiyahan na para sa akin na makabuo ako ng letra ng isang maikling kanta habang ako ay nagtatapon ng carton sa basura...

bomboy
october 17, 2010
about 7 months ago

No comments:

Post a Comment