Tuesday, May 29, 2012

"Ang Sampaguita," May 26, 2012

"Ang Sampaguita", letra ni lolo bomboy, May 26, 2012

by Lolo Bomboy on Saturday, May 26, 2012 at 5:47pm ·

"Ang Sampaguita", letra ni lolo bomboy, May 26, 2012
---
letra:
---
sa karamihan ng bulaklak na may magagandang kulay,
sampaguita lang ang may matamis na ba-ngong taglay;
kung ito'y ating nalalanghap, di na natin nai-iwasan,
mag-isip na umuwi muli sa bayan nating tinubu-an...
---
ang salitang sampaguita ay parang tagalog
na may halong romblomanon,
nagsasabing "sampa" o "saka" sa salita
namin doon,
dinagdagan pa ito ng salitang "guid"  at saka ng "kita",
tila nagsasabing hali kayo't pumitas ng bulaklak
sa aking sanga...
---
saan kaya nanggaling ang bulaklak na sampaguita,
baka galing pa ito sa langit dahil sa pagkalinis linis niya,
kitang kita na walang dungis ang taglay niyang ganda,
bulaklak niya'y sadya namang kay puti puting talaga..
---
bulaklak ng sampaguita ay totoong walang katulad,
may dalang pag-asa sa ilang tao na nais umunlad,
naroon sila sa mga kalsada sa bansa nating Pilipinas
naglalako ng sampaguitang ginawa nilang  kwentas,
----
sampaguita, sampaguitang kwentas
sa liig ng mahal mo'y may bangong
walang katumbas..
sampaguita, sampaguitang kwentas,
sa altar ng Mahal na Birhen, tanda ng
ating pagsambang wagas...
----
georgia, May 26, 2012

No comments:

Post a Comment