"Ang Fuente de Belen sa Romblon, pagtatanong ni lolo bomboy," june 13,2011
by Lolo Bomboy on Sunday, May 27, 2012 at 12:41am ·
" Ang Fuente de Belen sa Romblon,
pagtatanong ni lolo bomboy", june 13, 2011
ang Fuente de Belen ay matagal na nating nakita,
mula pa nang tayo'y nag-aral sa elementarya,
kita natin ito pagpanik natin doon sa hagdanan,
kita din natin ito pagbaba natin sa oras ng uwi-an..
sa katagalan at paglipas ng ilang panahon,
ngayon ako ay humihingi ng inyong tulong,
bakit nga ba Fuente de Belen ang tawag dito,
istorya ng Fuente de Belen ay alam ba ninyo.
bakit kaya ngayon ko lang ito tinatanong,
bakit Fuente de Belen ang tawag sa stutuwa doon,
parang nakatayo diyan ay ang Birheng Santa Maria,
nagbabantay sa lahat ng nag-aaral na mahal Niya;
doon sa belen ipinanganak ang ating Panginoon,
ang nanay niyang si Santa Maria ay birhen pa noon,
parang nandyan Siya nakatayo sa Fuente de Belen,
para nga tayo'y maniwla kay Jesus na ating Panginoon..
nakita ko sa internet na meron pala sa Espana,
may isang bayan doon na Belen ang tawag nila,
meron doon isa ding fuente, igiban ng tubig doon
tawag ay Fuente de Belen tulad ng atin sa Romblon
baka noong panahon ng kastila sa Romblon,
gumawa sila ng igiban nila ang tubig doon,
baka galing sila sa bayan ng Belen sa Espana,
kaya dito'y Fuente de Belen din ang tinawag nila
kaya mga kababayan ko diyan sa Romblon,
kung meron kayo kakilala na puedeng matanong,
pakitanong bakit Fuente de Belen ang tawag natin,
sa statuwang matagal nang nandiyan sa ating piling..
---
Georgia, May 27, 2012
note: ang nakatuyo pala sa Fuente de Belen ay ang Nuestra Senora de Belen...sabi ko sa kanta ko ay ang Birhen Santa Maria... nakita ko sa internet, ang Birheng Santa Maria at ang Nuestra Senor de Belen ay iisa lamang.. kaya tama din pala ang sinabi ko sa aking kanta... yan din malamang ang dahilan kung bakit "Fuente de Belen" ang tawag sa statuwang ito sa Romblon, Romblon...yan ang kasagutan sa katanungan sa aking kanta..

No comments:
Post a Comment