Tuesday, May 29, 2012

"Desiderata sa pagkaintindi ni lolo bomboy sa tagalog, May 22, 2012

Desiderata sa pagkaintindi ni lolo bomboy sa tagalog, may 22, 2012

by Lolo Bomboy on Wednesday, May 23, 2012 at 12:34pm ·

lumakad ng dahan dahan, sa gitna ng ingay at pagmamadali,
isipin lagi ang kapayapaan na meron ang katahimikan ng bawat
 sandali

hanggang  maari, nang di nayuyurakan ang pagkata-o,
makibagay ka ng marangal sa lahat ng kapwa mo...
ilahad mo ang totoo sa paraang mahinahon at deretso...
pakinggan mo ang iba, kahit sa pinag-aralan o
kaalaman ay may pagkukulang sila,
lahat tayo ay may kwentong magkaka-iba..

kung meron mang dapat na iwasang mga tao,
piliin mo na yoong nakakagambala sa kaisipan mo,

kung ihahambing mo ang iyong katayu-an sa ibang ta-o,
baka ka lang yumabang o mawalan ng loob,
kasi lagi, meron mas aba o nakakahigit sa iyo..
maging masaya ka sa iyong mga tagumpay,
pati sa mga balak mo sa buhay,
at pahalagahan mo ang iyong hanapbuhay,
gaano man kaaba ito,
sa oras ng kagipitan, ito'y kayamanang
tunay at totoo...

maging maingat sa lahat ng hakbang sa buhay,
sa  mundo ay may mga taong iba rin ang pakay,
pero huwag kang magbulagbulagan sa katotohanan,
marami ding kapwa mong may mabuting kalooban,
at nagsisikap mapabuti ang kanilang kalagayan,
at handang gumawa ng kabayanihan...

maging totoo ka sa sarili mo mismo,
wag kang magkukunwari sa pakikitungo,
o kaya'y mawalan ng tiwala sa kabanalan ng
pag-ibig...
sa kabila ng kasawi-an at pagdurusa,
pag-ibig ay isang halamang laging kay ganda...

tanggapin ng maluwag sa kalooban ang aral ng panahon,
ilibing sa limot ang mga bagay na laan lang sa mga
kabataan ngayon;
tibiyan mo ang iyong kalooban sakaling may dumating na
mga pangyayaring di maiiwasan...
at tandaan na kalimitan, maraming pangamba na
dala lamang ng pagod at pag-iisa...
maliban sa tamang pangangalaga sa katawan,
kaluwagang pangsarili ay huwag pababayaan
ikaw ay isang nilikha sa mundo,
walang kaibahan sa mga puno o mga bituin,
may karapatan kang mabuhay dito...
at maging maliwanag man ito o hindi sa iyo,
tuloy ang pag-inog ng mundo,
tulad lang ng dapat mangyari dito...
kaya maging matapat ka sa Diyos,
ano man ang paniniwala mo tungkol
sa kanya,
at ano pa man ang mga gawa-in mo o pangarap sa buhay,
sa harap ng kagulohan, pilitin mong maging mapayapa ang
iyong kalooban...
kahit maraming kabigu-an, at kapariwara-an,
ang mundo ay patuloy na may angking tanging
kagandahan...
laging mag-ingat ka...
pilitin mong maging masaya...
---
Georgia, May 22,2012

No comments:

Post a Comment