Thursday, July 28, 2011

"Puno ng aratiles sa moro, romblon, romblon, june 18, 2011

"Puno ng aratiles sa moro, romblon, romblon, june 18,2011 lyrics/melody by lolo bomboy,

by Lolo Bomboy on 19 June 2011 Sunday at 00:37


  
munting ala-ala ko ito sa mga pamangkin kong sila Father Norberto A. Costo
at Margarito A. Costo, Jr...sa araw ng Father's day....

puno ng aratiles sa moro, romblon, romblon,
lyrics/melody by lolo bomboy, june 18,2011by Lolo Bomboy on 19 June 2011 Sunday at 00:16

noong grade 6 ako, mil nueve ciento singkwenta'y kwatro,
sa romblon, romblon, banda doon sa amin sa may moro,
tabi ng bahay namin ay may isang puno ng aratiles noon,
maagang maaga pa lang kung ako ay nagpupunta doon,

ganoon pa man, lagi ako nauunahan ng mga pamangkin ko,
kasi yong bahay nila doon sa puno ay malapit na mismo,
ako naman ay nangagaling pa doon sa amin sa may pantalan,
kaya aking mga pamangkin sa bunga, ako'y laging nauunahan,

wala pa ako, halos lahat ng hinog ay ubos na nilang nakain,
pagdating ko doon, puro hilaw na lang ang naiiwan sa akin,
kahit masama ang loob, di ko naman magawang ako ay magalit,
wala akong magawa dahil sila sa puno ay talagang mas malapit,

kahit gaano ka- aga ang gawin kong pagpunta doon,
mas maaga pa rin silang nakakarating sa punong iyon,
kaya ako ay palagi na lang nilang pinagtatawanan,
hilaw na bunga ng aratiles sa akin ang kanilang ini-iwan

chorus:

buti na lang at nailagay mo ang retratong ito ng aritiles,
dahil dito sa paggawa ng maikling kanta ay di ko matiis,
bumalik sa isipan ko yong mga bunga na ubod ng tatamis,
tila nalalasahan ko ulit yong mga bunga ng puno ng aratiles...
dahil sa retratong ito, na-alala ko rin tuloy mga pamangkin ko,
sila si Margarito A. Costo, Jr. at si Father Norberto A. Costo,
sila yong mga pamangkin kong nakikipag unahan sa akin noon,
sa pagkuha ng mga bunga ng aratiles sa puno doon sa romblon..

ps:

munting ala-ala ko ito sa mga pamangkin kong sila Father Norberto A. Costo at Margarito A. Costo, Jr...sa araw ng Father's day....


si Ms. Vivian Villareiz Berjamin (ang naglagay ng picture na ito sa fb) likes this.
Lolo Bomboy... ito ay isang munting ala-ala ko para sa mga pamangkin kong sila Father Norberto A. Costo at Margarito A. Costo...sila yong ka unahan ko sa puno ng aratiles sa cepoc compound dati...(1954..) Happy Father's Day to all...
· · Share · Delete

No comments:

Post a Comment