Mi Ultimo Adios ni Dr. Jose P. Rizal, sa pagkakaintindi ni lolo bomboy sa tagalog,
june 10, 2011
1.Paalam, bayan kong sinisinta, sa sinag ng
araw ay pinagpala ka,
...perlas ng dagat ng silangan, ang Eden na sa
atin ay naglaho na,
masaya kong binibigay sa'yo ang buhay kong
malungkot ,di mahalaga,
pero kahit ito ay naging mas makulay, o ako'y mas
makisig, o malusog pa,
ibibigay ko pa rin ang buhay ko sa'yo, ibibigay ko
ito para mapabuti ka,
2.sa gitna ng digmaan, sumusugod yong iba na
parang nagdidiliryo,
kusang-loob silang nagbubuwis ng dugo at buhay
para lamang sa iyo,
ang pook ng kabayanihan ay di mahalaga: cipres,
laurel o maging lirio,
ang bitayan, digmaan, himagsikan ,pag-aalsa, o
pagiging martir ng tao
yang mga iyan ay pareho lang kung bayan at pamilya
ang humiling nito,
3.papanaw ako kung kailan ang langit ay nagsisimula
nang magkakulay,
kung kailan sumisikat na ang araw pagkatapos ng
gabing tigib ng lumbay,
kung kailangan mo ng pangkulay para sa kaakit-akit
na bukang lwayway,
narito't ikalat itong dugo ko, at sa tamang panahon,
ipandilig mo ito,
saka bigyan ito ng sinag ng nagsisimulang liwanag ng
bagong umaga mo,
4.mga pangarap ko noong mga araw na ako'y
mistulang paslit na bata pa
mga pangarap ko noong ako'y nagbibinatang
puno ng lakas at pag-asa,
ay isang araw makita ka, tanging yaman ng
dagat sa dakong silangan,
na walang luha ang itim na mga mata, at nakataas
ang iyong noo,
at walang dungis, simangot, kulubot,o pagkahiya
na mababanaag dito,
5.ang mit-hiin na sa buhay ko ay nag-aalab at
nag-susumamo,
O, Mabuhay ka, o Bayan ko, pilit na siniisigaw
ng kalooban ko
O,anong ganda, Bayan ko, na makalipad ka, kahit
madapa ako,
na mabuhay ka, kahit mamatay ako, mamatay sa ilalim
ng langit mo,
at sa ilalim ng dakilang lupain mo, habang panahon
ay mahimlay ako,
6.kung sakaling sa libingan ko, isang araw ay may
makita kang tumubo,
sa gitna ng mga damo isang bulaklak na pangkaraniwan
sa tingin ng tao,
ang hiling ko lang ay ilapit mo ito sa iyong mga labi,
at hagkan mo ito,
nang sa ganoon doon sa malamig kong libingan ay
maramdaman ko,
ang init ng iyong hininga, at alab ng damdamin at
pagmamahal mo,
7.pabayaan mong ako'y ma-ilawan ng banayad na
liwanag ng buwan,
pabayaan na ang bukang liwaway ay magliwanag
kahit pamandalian,
o ang hagin ay bumulong ng mga bagay bagay na
kay sarap pakinggan,
at kung may ibon na dumapo't magpahinga sa kruz
ng aking libingan,
pabayaan lang siya na humuni doon ng kanyang awit
ng kapayapaan,
8.pabayaan mo na matuyo ng init ng araw ang mga
patak ng ulan,
at dalhin ng mga ito ang mga hina-ing ko patungo
sa kalangitan
hayaan na ang maagang pagpanaw ko ay iyakan ng
isang kaibigan,
at kung sa hapong tahimik may taong para sa akin ay
nagdarasal,
idasal mo rin, Bayan ko, ako'y mapahinga sa paanan
ng Poong Maykapal,
9. ipagdasal ang mga namatay na di nakadama ni
kunting kaginhawahan,
at yong mga nagdanas sa buhay na ito ng walang
katulad na kahirapan,
ang mga magulang na tiniis lahat ang hirap sa kanilang
mga pinagdaanan
mga na-ulilang magulang at anak, at mga nabilanggo
na walang kasalanan,
at ipagdasal mo ang sarili mo, Bayan ko, makamit mo
ang iyong kalayaan,
10. at sa gabing nababalot ng kadiliman ang buong
kampo santo,
at ang mga namatay lamang ang nandoroon na
nagbabantay dito,
huwag gambalain ang katahimikang ito, pabayaan
lang ang mysterio,
at kung may marinig na isang malungkot na awit ang
mga tinga mo,
ako yan, o Bayan ko, ako yan na uma-awit, awit na
para lamang sa'yo,
11. at kung makalimutan na ng lahat ang aking
abang libingan,
at nawala na ang kruz o ang bato na kanyang
palatandaan,
hayaan na ang lupa'y ma-araro para isang araw
ay matamnan,
at pabayaang ang lupa diyan sa aking abo ay
madagdagan,
maging abuno man lang ito at di mawala pag ito'y
nahanginan,
12. hindi bale kung ng lahat ako ay tuluyan nang
makalimutan,
kalawakan, kaparangan at kapatagan mo ay pilit kong
iikutan
magiging masigla at maliwanag na awit ako para sa
inyong tanan,
bawat halimuyak, liwanag, kulay, himig,hina-ing,
at panangis ko
ang mag-uulit ng aking paninindigan para lagi ninyong
ma-ala-la ito,
13. o bayang aking sinilangan, hinagpis ng aking
mga hinagpis,
Pilipinas kong mahal, dingin ang huling paalam
sa aking pag-alis,
ang lahat ay ini-iwan ko sa'yo, mga magulang,
lahat ng mahal ko,
papunta ako doon saan walang mga alipin,walang
niluluhurang tao,
saan paniniwala'y di nakakamatay, at Diyos lang
ang naghahari dito,
14.paalam, mga magulang at kapatid, mga tinatangi
ng aking kalooban,
mga kaibigan ng aking kabataan sa ating
nagdadalamhating bayan,
pasalamat tayo makapagpapahinga na ako sa
lahat ng mga kaguluhan,
paalam, dilag na taga ibang bayan, kaibigan at
aking kaligayahan,
paalam, mga mahal sa buhay,
ang mamatay ay pagpapahinga lamang

No comments:
Post a Comment