Friday, July 15, 2011

Munting Ala-ala para sa mga guro ko sa romblon, Feb 19,2011,lyrics/melody by lolo bomboy


munting ala-ala para sa mga guro ko sa romblon," Feb. 19,2011, lyrics/melody by lolo bomboy
Saturday at 07:43
.
sa bayan ng romblon na aking sinilangan
doon ako nag-aral sa kanyang mga paaralan
mga guro ko noong aking masayang kabataan
kailan man ay hindi ko maaaring makalimutan

saan dako man ako pinadpad ng kapalaran ko
mga turo nila noon sa akin ang naging gabay ko
sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko
iyan ang ilaw na humawi sa dilim ng dinaanan ko
nagtapos ako sa mababang paaralan ng romblon
sa tapat ng simbahang kay ganda hanggang ngayon
malapit din ang monumento ni Gat Jose Rizal doon
katabi lang ito ng gusali ng municipio ng romblon



sa mataas na paaralan ng romblon ay nag-aral din ako
nasa paanan ito ng mga bundok na nakapalibot dito
nasa patag na lupa na mas mataas doon sa nasa harapan
kung saan nandoroon ang napakalawak nitong palaruan

chorus:

ito ay munting ala-ala para sa mga guro ko sa romblon
sila'y aking pinasasalamatan sa mga turo nila sa akin noon
sila ang mga guro na sa buhay ko ay sadya kong itatangi
naituro nila sa akin ang landas na dapat kong tahaking palagi

saan dako man ako pinadpad ng kapalaran ko
mga turo nila noon sa akin ang naging gabay ko
sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko

iyan ang ilaw na humawi sa dilim ng dinaanan ko.

No comments:

Post a Comment