"simbang gabi ko sa Romblon," (tagalog version), dec 14, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
by Lolo Bomboy on 13 December 2011 Tuesday at 19:02
intro:
sabi ng kaibigan kong si Florencio,
simbang gabi magsisimula na raw ito,
simbahan sa Romblon mapupuno ng tao,
para magpugay sa panginoong Hesu Kristo...
lyrics:
taon-taon bago pa sumapit ang pasko,
merong simbang gabi, yan ang tanda ko,
kaya kahit anong puyat pa at aking antok,
nasa simbahan ako bago tumila-ok ang
mga manok....
bilin ng tatay ko, mag-aral ako ng katekismo,
nasa simbahan ako tuwing hapon ng linggo,
bitbit din niya ako sa simbang gabi sa romblon,
nakikinig kami sa misa ng Pari at kanyang sermon...
kahit ano pa ang lamig sa umaga ng tubig,
naliligo ako, manginig man ang aking bibig,
dederetso kami ng tatay ko sa simbang gabi,
kahit simbahan ay punong puno sa bawat tabi...
ito ang istoryang hanggang ngayon ay tanda ko,
dahil ang simbang gabi ay bahagi na ng pasko,
magmula pa noong unang panahon ganito na ito,
simbang gabi'y dinadaluhan ng napakaraming tao...
maligayang pasko sa inyong lahat....
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment