walang bato na matigas sa iyo
sa sipag mo ay naihugis mo ito
naging tunay na ginto ito para sa'yo
simula ng magandang buhay mo
may iba dyan marurunong talaga
di nakarating sa naabot ng iyong paa
ikaw ang nagsulat sariling mong istorya
naiilarawan mo pa ito sa tula at kanta
trabaho bilang gwardiya napasok mo na
hanggang sa maynila naging pulis ka
kinilala ka't nabigyan ka ng mga medalya
malaking patunay na dinakila ka nga nila
di naglaon sa malayong dagat ka nagtrabaho
pinakita mo kung gaano kalakas ng dibdib mo
lamig at bigat nito ay kinaya kaya mong totoo
para makamit mo lang buhay na minimithi mo
yan ang tatak ng isang tunay na pilipino
walang trabahong mabigat o mahirap sa yo
basta't naisip mong gawin tuloy na tuloy ito
alam na alam mo ang landas na tinatahak mo
ikaw ang arketikto ng plano ng buhay mo
nasunod mong lahat ang mga nakasulat dito
napakagandang istorya ang naisa buhay mo
ngayo'y naka ugit sa tula, kanta at nobela mo
chorus:
pag-aaral mo sa romblon ay tinapos mo
dahil sa sinabak mo mabigat na trabaho
ganoon din ang ginawa mo doon sa kolehiyo
tinapos mo ito sa pagpapatulo ng pawis mo
karapadapat kang makatanggap ng parangal
kasi sa lahat ay nagbibigay ka ng gintong aral
kayang abutin ng sino man mga pangarap sa buhay
ang magandang bukas ay nasa kanilang mga kamay
28 July at 00:53 ·.
No comments:
Post a Comment