Friday, December 9, 2011

"buenas dias pascua", tagalog version, december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

"buenas dias pascua", tagalog version, december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on 9 December 2011 Friday at 00:29
"buenas dias pascua", tagalog version, december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
"
lyrics:

buenas dias pascua", bati namin noon,
sa aming mga ninang at mga ninong,
noong kami ay namamasko sa kanila,
noong sa romblon, kami ay bata pa....


may mga supot pa kaming dala dala,
sisidlan ang mga regalong hinanda nila,
mga regalo tulad ng kinde at mga barya,
tinapay o sabon at marami pang iba....

ang aming mga ninang at mga ninong,
pag-akyat namin sa bahay nila noon,
marami silang mga regalo para amin,
ito'y bagay na nasa aalala ko pa rin....

pasko sa romblon hindi ko malilimot,
kahit saang lugar pa ako makalibot,
ang pasko noong tayo ay maliliit pa,
talaga namang punong puno ng saya....

"buenas dias pascua" pagbating alam ko,
yan pa rin ang pagbating aking gusto,
na iparating sa lahat ng mga taga romblon,
masayang pasko nawa'y mapasa ating
lahat ngayon....

No comments:

Post a Comment