by lolo bomboy
by Rhs Classfiftyeight on Friday, January 14, 2011 at 11:47pm
nakakalungkot man ang iyong nakaraan...
hindi ito naging hadlang sa iyong buhay...
ikaw ay nakabangon at saka nagtagumpay,
kahit na mahirap ang iyong nanay at tatay...
isa pang inspirasyon ang iyong naibibigay,
sa kabataan na sa kahirapan ay namumuhay,
may tagumpay na sa kanila ay naghihintay,
magsikap sila at gaganda din ang kanilang buhay
sa sipag, tiyaga, talino at tiwala kay Bathala
walang ano mang bagay na hindi nila magagawa
ito ang aral na binibigay ng iyong naging tagumpay
puedeng sundan ng lahat na may pangarap sa buhay
kahit isang baro lang ang suot mo sa eskwelahan,
dahil nga sa kahirapan ng iyong mga magulang,
ikaw, Wilson, ay hindi nawalan ng lakas ng loob,
at sa kahirapan di ka pumayag na magpasukob...
maraming salamat sa iyong naging tagumpay
inspirasyon ang nagiging dulot ng iyong buhay
sa tulong ni Bathala lahat ng bagay ay makakamtan,
kung tao ay magsisikap lang ng buong katapatan
No comments:
Post a Comment