Wednesday, July 27, 2011

Bagong Kanta ko tungkol sa SIPI, sa capaclan, romblon, romblon, july 3, 2011

Bagong Kanta ko tungkol sa SIPI,
sa capaclan, romblon, romblon
july 3, 2011,
lyrics/melody by lolo bomboy
03 July 2011 Sunday at 12:20
.

Intro: Lolo Bomboy @ Wilson, ang bago kong kanta
na hinango sa iyong sinabi tungkol sa SIPI:

lyrics:

"buti na lang at napansin mo rin ito Wilson,
mayroong nasabi tungkol sa SIPI sa romblon,
kaibigan, makatang makata ang naging dating
ng iyong mga salita na parang mga salawikain.

nakita ko hanggang ngayon dila mo'y matamis,
kung gaano kakinis ang iyong balat at iyong kutis,
siguro dahil noon sa SIPI ikaw ay laging naliligo,
mga ala-ala mo'y hanggang ngayo'y buong-buo.

buti sa kurikong ay hindi ka natakot noon,
tuloy pa rin pagpaligo mo sa SIPI sa romblon,
maganda nga itong iyong nakitang paliguan,
noon pa ma'y di mo ito nakuhang katakotan,


chorus:

ang SIPI ay sadyang maganda ring labahan,
ng mga damit ng mga doon ay naninirahan...
tama lang naman siguro ang sinabi mo Wilson,
mga pinunong bayan doon sa atin sa romblon,
ang SIPI ay dapat nilang bigyan ng pansin,
kung maaari ito'y kanilang namang pagandahin...

sayang naman na ang lugar na ito ay katatakotan,
dahil sa panganib na di pa naman napapatunayan,
kaya dapat lang sigurong ang SIPI ay bantayan,
para kalinisan at kaligtasan nito'y mapangalaga-an...
salamat sa'yo Wilson, iyong muli pang napatunayan,
maligo sa SIPI noon ay talagang napaka ok lang,
sa takot sa kurikong nilang sinasabi di ka nagpadala,
hanggang sa romblon high school ay nakatapos ka..."

Friday, July 15, 2011

Iba na ang SIPI Niyan, jan 21, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

Iba na ang SIPI Niyan," jan 21, 2011, lyrics/melody
by lolo bomboy




salamat sa mga retrato nga ging bu-oy nindo
sa SIPI nang nagkadto kamo didto ining enero
...daw indi magpati ang iba nga nag-isot na ini
iba na ang itsura ng SIPI kesa sa SIPI nga dati

daw bubon na lang gani kuno ang SIPI niyan
pero daw kaayo pa da gani ini nga paligusan
para sa mga igwa mga bayay nga malapit dira
igwa sinda labahan nga mahuga kung maduya

siempre niyan hay nagakalisod kita nga tanan
kay sa SIPI indi na niyan puede pa magsimplan
ging murohan na ninda ang mga alihid ng SIPI
dagko nga tawo di na maari malangoy dira uli

chorus:

tubi sa SIPI hay daw matin-aw pa hasta niyan
daw sa idayom pa da ng dota ang ginahalinan
sigui sigui pa da ang ilig ng ini pakadto sa suba
hasta sa dagat ng romblon didto ini nagaguwa

Tayong lahat ay mga Romblomanon, Feb. 2, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

 
"tayong lahat ay mga romblomanon", Feb 2,2011,
lyrics/melody by lolo bomboy(tagalog version ng "kita tanan
hay mga romblomanon"...
 
 
 
 
romblon ang probinsya ng iba ibang
mga isla
nandyan na ang mga isla ng banton,
sibale, at simara,
nandoon din ang mga isla ng sibuyan.
tablas at ng romblon,
idagdag pa dyan ang mga isla
ng naguso, alad at ng logbon,

ang bayan ng San Jose ay malapit
sa tablas,
nasa "carabao island" ito na may
gandang sadyang likas,
tulad ng ibang mga isla sa probinsya
ng romblon,
may puting buhangin din sa tabing
dagat doon...

kahit tayo ay galing sa iba ibang
mga bayan sa layo layong mga isla
ng romblon,
dama pa rin sa dibdib natin
hanggang ngayon,
ang galak na tayong lahat
ay mga romblomanon,

ang iba ibang mga isla doon
sa probinsya natin,
dati yan ay nasa langit
kumikislap kislap na mga bituin,
nilagay sa dagat at ihinabilin sa
sa atin ng Panginoon,
iyan ngayon ang iba ibang mga
isla na nasa ating probinsya ng
romblon....

kahit tayo ay galing sa iba ibang
mga bayan sa layo layong mga isla
ng romblon,
dama pa rin sa dibdib natin
hanggang ngayon,
ang galak na tayong lahat
ay mga romblomanon..

Himig ng Gawad Alumni lyrics by lolo bomboy, 2010

 
Himig ng Gawad Alumni
Silvestre J. Acejas
Romblon High School Class 58
 



Nagtapos ka ng high school sa atin sa romblon, romblon
...Doon ay natoto kang magmahal sa kapwa, sa bayan at sa Panginoon
Sa likas na sipag, tiyaga at talino mo'y nakilala ka
Nakapagbigay ka ng halimbawang dapat ngang tularan ng iba

Bayan mo ay napagsisilbihan mo ng tapat at buong puso mo
Ganoon din ang ginagawa mo sa mahal na pamilya mo
Paaralan, mga kaklase at guro mo' y di mo nakakalimutan
Binibigyan mo sila ng panahon at kailanma'y di mo sila kayang pagdamutan

Saang dako ka man naroroon sa mundong ito
Sa kapwa mo ay isa kang kaibigang marangal, tunay at totoo
Maging sariling buhay mo kung kailangan ay ibibigay mo
Makagawa ka lang ng mabuti sa isang kapwa tao mo

Ikaw ang nahirang na pinarangalan ng gawad alumni sa taong ito
Pinararangalan ka dahil sa lahat ng kabayanihang nagagawa mo
Sana'y tuluran ka ng mga mag-aaral sa high school ng romblon
Buhay mo ay maliwanag na tanglaw para sa kanilang lahat doon

Isa kang tunay na dangal ng bansa at ng lahing Pilipino

Daw bag-o nga SIPI, Jan 13,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

daw bag-o na sipi, jan 13, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy, jan 13, 2011 


......
"mga taga romblon mas masuerte sa tanan
damo mga lugar dira nga puede pasyaran
sa akon isa na ang SIPI nang maisot pa kami
isa pa ining lugar nga yari sa retrato nga ini..."

imaw ini ang ginahambay sa akon kanta nga
"daw bag-o nga SIPI ini", j......an 13,2011,
lyrics/melody by lolo bomboy

nang makita ko ining imo nga retrato
nagbalik ang SIPI diri sa pagiisip ko
...didto sa SIPI pirmi kami nagakadto
kaibahan ko pila sa mga kaklase ko





mil nueve ciento singkwenta'y kwatro
abaw ka dugay dugay na gali adto
pero daw kahapon lang gid ini natabo
sa romblon sadtong ako hay nagadako





kaayo ayo nga yari sa retrato niyan
igwa isa pa nga lugar puede kadtuan
ang fuente de belen dira sa romblon
sa tanan hay ginapakadako gid naton

kalipay ko makita ining imo nga retrato
sa isa nga lugar kung diin nagdako ako
kung ako makauli sa aton sa romblon
dira hay makikita da nindo ako gihapon

mga taga romblon mas masuerte sa tanan
damo mga lugar dira nga puede pasyaran
sa akon isa na ang SIPI nang maisot pa kami
isa pa ining lugar nga yari sa retrato nga ini

Munting Ala-ala para sa mga guro ko sa romblon, Feb 19,2011,lyrics/melody by lolo bomboy


munting ala-ala para sa mga guro ko sa romblon," Feb. 19,2011, lyrics/melody by lolo bomboy
Saturday at 07:43
.
sa bayan ng romblon na aking sinilangan
doon ako nag-aral sa kanyang mga paaralan
mga guro ko noong aking masayang kabataan
kailan man ay hindi ko maaaring makalimutan

saan dako man ako pinadpad ng kapalaran ko
mga turo nila noon sa akin ang naging gabay ko
sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko
iyan ang ilaw na humawi sa dilim ng dinaanan ko
nagtapos ako sa mababang paaralan ng romblon
sa tapat ng simbahang kay ganda hanggang ngayon
malapit din ang monumento ni Gat Jose Rizal doon
katabi lang ito ng gusali ng municipio ng romblon



sa mataas na paaralan ng romblon ay nag-aral din ako
nasa paanan ito ng mga bundok na nakapalibot dito
nasa patag na lupa na mas mataas doon sa nasa harapan
kung saan nandoroon ang napakalawak nitong palaruan

chorus:

ito ay munting ala-ala para sa mga guro ko sa romblon
sila'y aking pinasasalamatan sa mga turo nila sa akin noon
sila ang mga guro na sa buhay ko ay sadya kong itatangi
naituro nila sa akin ang landas na dapat kong tahaking palagi

saan dako man ako pinadpad ng kapalaran ko
mga turo nila noon sa akin ang naging gabay ko
sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko

iyan ang ilaw na humawi sa dilim ng dinaanan ko.

Mi Ultimo Adios ni Dr. Jose P. Rizal sa pagkakaintindi ni lolo bomboy sa tagalog, June 10, 2011

 
Mi Ultimo Adios ni Dr. Jose P. Rizal, sa pagkakaintindi ni lolo bomboy sa tagalog,
june 10, 2011

1.Paalam, bayan kong sinisinta, sa sinag ng
araw ay pinagpala ka,
...perlas ng dagat ng silangan, ang Eden na sa
atin ay naglaho na,
masaya kong binibigay sa'yo ang buhay kong
malungkot ,di mahalaga,
pero kahit ito ay naging mas makulay, o ako'y mas
makisig, o malusog pa,
ibibigay ko pa rin ang buhay ko sa'yo, ibibigay ko
ito para mapabuti ka,

2.sa gitna ng digmaan, sumusugod yong iba na
parang nagdidiliryo,
kusang-loob silang nagbubuwis ng dugo at buhay
para lamang sa iyo,
ang pook ng kabayanihan ay di mahalaga: cipres,
laurel o maging lirio,
ang bitayan, digmaan, himagsikan ,pag-aalsa, o
pagiging martir ng tao
yang mga iyan ay pareho lang kung bayan at pamilya
ang humiling nito,

3.papanaw ako kung kailan ang langit ay nagsisimula
nang magkakulay,
kung kailan sumisikat na ang araw pagkatapos ng
gabing tigib ng lumbay,
kung kailangan mo ng pangkulay para sa kaakit-akit
na bukang lwayway,
narito't ikalat itong dugo ko, at sa tamang panahon,
ipandilig mo ito,
saka bigyan ito ng sinag ng nagsisimulang liwanag ng
bagong umaga mo,

4.mga pangarap ko noong mga araw na ako'y
mistulang paslit na bata pa
mga pangarap ko noong ako'y nagbibinatang
puno ng lakas at pag-asa,
ay isang araw makita ka, tanging yaman ng
dagat sa dakong silangan,
na walang luha ang itim na mga mata, at nakataas
ang iyong noo,
at walang dungis, simangot, kulubot,o pagkahiya
na mababanaag dito,

5.ang mit-hiin na sa buhay ko ay nag-aalab at
nag-susumamo,
O, Mabuhay ka, o Bayan ko, pilit na siniisigaw
ng kalooban ko
O,anong ganda, Bayan ko, na makalipad ka, kahit
madapa ako,
na mabuhay ka, kahit mamatay ako, mamatay sa ilalim
ng langit mo,
at sa ilalim ng dakilang lupain mo, habang panahon
ay mahimlay ako,

6.kung sakaling sa libingan ko, isang araw ay may
makita kang tumubo,
sa gitna ng mga damo isang bulaklak na pangkaraniwan
sa tingin ng tao,
ang hiling ko lang ay ilapit mo ito sa iyong mga labi,
at hagkan mo ito,
nang sa ganoon doon sa malamig kong libingan ay
maramdaman ko,
ang init ng iyong hininga, at alab ng damdamin at
pagmamahal mo,

7.pabayaan mong ako'y ma-ilawan ng banayad na
liwanag ng buwan,
pabayaan na ang bukang liwaway ay magliwanag
kahit pamandalian,
o ang hagin ay bumulong ng mga bagay bagay na
kay sarap pakinggan,
at kung may ibon na dumapo't magpahinga sa kruz
ng aking libingan,
pabayaan lang siya na humuni doon ng kanyang awit
ng kapayapaan,

8.pabayaan mo na matuyo ng init ng araw ang mga
patak ng ulan,
at dalhin ng mga ito ang mga hina-ing ko patungo
sa kalangitan
hayaan na ang maagang pagpanaw ko ay iyakan ng
isang kaibigan,
at kung sa hapong tahimik may taong para sa akin ay
nagdarasal,
idasal mo rin, Bayan ko, ako'y mapahinga sa paanan
ng Poong Maykapal,

9. ipagdasal ang mga namatay na di nakadama ni
kunting kaginhawahan,
at yong mga nagdanas sa buhay na ito ng walang
katulad na kahirapan,
ang mga magulang na tiniis lahat ang hirap sa kanilang
mga pinagdaanan
mga na-ulilang magulang at anak, at mga nabilanggo
na walang kasalanan,
at ipagdasal mo ang sarili mo, Bayan ko, makamit mo
ang iyong kalayaan,

10. at sa gabing nababalot ng kadiliman ang buong
kampo santo,
at ang mga namatay lamang ang nandoroon na
nagbabantay dito,
huwag gambalain ang katahimikang ito, pabayaan
lang ang mysterio,
at kung may marinig na isang malungkot na awit ang
mga tinga mo,
ako yan, o Bayan ko, ako yan na uma-awit, awit na
para lamang sa'yo,

11. at kung makalimutan na ng lahat ang aking
abang libingan,
at nawala na ang kruz o ang bato na kanyang
palatandaan,
hayaan na ang lupa'y ma-araro para isang araw
ay matamnan,
at pabayaang ang lupa diyan sa aking abo ay
madagdagan,
maging abuno man lang ito at di mawala pag ito'y
nahanginan,

12. hindi bale kung ng lahat ako ay tuluyan nang
makalimutan,
kalawakan, kaparangan at kapatagan mo ay pilit kong
iikutan
magiging masigla at maliwanag na awit ako para sa
inyong tanan,
bawat halimuyak, liwanag, kulay, himig,hina-ing,
at panangis ko
ang mag-uulit ng aking paninindigan para lagi ninyong
ma-ala-la ito,

13. o bayang aking sinilangan, hinagpis ng aking
mga hinagpis,
Pilipinas kong mahal, dingin ang huling paalam
sa aking pag-alis,
ang lahat ay ini-iwan ko sa'yo, mga magulang,
lahat ng mahal ko,
papunta ako doon saan walang mga alipin,walang
niluluhurang tao,
saan paniniwala'y di nakakamatay, at Diyos lang
ang naghahari dito,

14.paalam, mga magulang at kapatid, mga tinatangi
ng aking kalooban,
mga kaibigan ng aking kabataan sa ating
nagdadalamhating bayan,
pasalamat tayo makapagpapahinga na ako sa
lahat ng mga kaguluhan,
paalam, dilag na taga ibang bayan, kaibigan at
aking kaligayahan,
paalam, mga mahal sa buhay,
ang mamatay ay pagpapahinga lamang