"maikling awit para sa isla ng naguso", lyrics/melody by lolo bomboy, september 16, 2011
by Lolo Bomboy on 17 September 2011 Saturday at 02:50.
revised: 19 September 2011
lyrics:
kay ganda naman talaga ng mga tanawin,
sa isla ng naguso doon sa Romblon na bayan natin,
kahit sino pa ang makakita ng mga tanawing ito,
tiyak na masisiyahang ipamalita ito sa iba pang mga tao...
kay suerte naman ng mga tao doon sa atin sa Romblon,
kay daming mga lugar na puede nilang mapasyalan doon,
isa na ang isla ng naguso na sadya namang kay ganda,
kay sarap lumangoy sa dagat doon na kay linaw talaga...
doon ay maraming isda at mga pagkain na galing sa dagat,
sa iba ibang pagluto, mga ito'y masarap sa panglasa ng lahat,
may buko, mga gulay at frutas doon na puede nilang makain,
kasama ng mga atis na di malilimot ng kahit sino mang makatikim...
chorus:
sana balang araw ay makadalaw din ako sa isla ng naguso,
sa ganda nito, malaking saya ang madarama ng aking puso,
at mamamangka ako sa dagat doon na ubod ng linaw at tahimik,
ng madama ko ang dampi ng hangin na sa pisngi ko ay humahalik...
titikman ko din ang mga gulay at frutas dyan na bagong pitas,
kasi ang mga iyan ay nagbibigay sa katawan ng pambihirang lakas,
masisilayan ko ang mga bulaklak at halaman na dyan ay nakatanim,
na nagbibigay sa inyo ng libangan at ganda sa inyong mga paningin...
masasaksihan ko din ang mga kulay ng takipsilim sa may dagat dyan,
at ang init ng pagsalubong ng mga taga naguso na bukal sa kalooban...
ang ganda ng naguso ay hindi lamang makikita sa kanyang kalikasan,
makikita din ito sa mabuting ugali ng mga tao na doon ay naninirahan...
makikita din ito sa mabuting ugali ng mga tao na doon ay naninirahan..
No comments:
Post a Comment