my romblon page
Saturday, September 17, 2011
"maikling awit para sa isla ng naguso", lyrics/melody by lolo bomboy
Lolo Bomboy
shared
Cobrador, Romblon, Philippines
's
photo
.
Pictures of Naguso
By:
Cobrador, Romblon, Philippines
Lolo Bomboy
"maikling awit para sa isla ng naguso", lyrics/melody by lolo bomboy, september 16, 2011
by Lolo Bomboy on 17 September 2011 Saturday at 02:50.
kay ganda naman talaga ng mga tanawin,
sa isla ng naguso doon sa Romblon na bayan natin,
... kahit sino pa ang makakita ng mga tanawing ito,
tiyak na masisiyahang ipamalita ito sa iba pang mga tao...
kay suerte naman ng mga tao doon sa atin sa Romblon,
kay daming mga lugar na puede nilang mapasyalan doon,
isa na ang isla ng naguso na sadya namang kay ganda,
kay sarap lumangoy sa dagat doon na kay linaw talaga...
doon ay maraming isda at mga pagkain na galing sa dagat,
sa iba ibang pagluto, mga ito'y masarap sa panglasa ng lahat,
at marami pa din ang mga buko doon na puede nilang makain,
kasama ng mga atis na di malilimot ng kahit sino mang makatikim...
sana balang araw ay makadalaw din ako sa isla ng naguso,
sa ganda nito, malaking saya ang madarama ng aking puso,
at mamamangka ako sa dagat doon na ubod ng linaw at tahimik,
ng madama ko ang dampi ng hangin na sa pisngi ko ay humahalik.....
No comments:
Post a Comment
Newer Post
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment