Wednesday, August 10, 2011

"awit ko para sa mga bahay na nasa tabing dagat"

 

"awit ko para sa mga bahay na nasa tabing dagat", January 5, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Bomboy Lolo on 06 जनवरी 2011 Thursday at 01:56







kay sarap tumira sa bahay nyo diyan,
at saka maligo sa dagat na nasa likod lang,
at sa alon masarap din magpalutang-lutang,
makakabuti pa yan sa inyong kalusugan....

kung ako ay may bahay na ganyan,
na may dagat sa bandang likuran,
di na ako aalis dyan magpakailanman,
talagang masarap nang dyan ako'y manirahan...

chorus:

ang simoy ng hangin dyan ay tiyak na sariwa,
masarap langhapin para sa inyong mga baga,
at ang mga gulay at frutas dyan na bagong pitas,
magbibigay sa inyong katawan ng panibagong lakas,

ang mga isda na bagong huli diyan sa katabing dagat,
masarap yan kung inyong  iihawin o kaya ay ipapangat,
at ang mga halaman at kahoy na bigay sa inyo ay lilim,
magdudulot din yan ng ganda sa inyong mga  tanawin.
II
ang sarap sigurong matulog dyan,
ano mang oras ng araw na inyong maisipan,
at sa gabing tiyak na napakatahimik naman,
panginip ay siguradong n'yong magugustohan,

May mga buko pa kayong makakain,
habang kayo sa malayo ay nakatingin,
nangagarap sa ilalim ng mga bituin,
na sa gabing madilim ay mga nagniningning,

chorus:

ang simoy ng hangin dyan ay tiyak na sariwa,
masarap langhapin para sa inyong mga baga,
at ang mga gulay at frutas dyan na bagong pitas,
magbibigay sa inyong katawan ng panibagong lakas,

ang mga isda na bagong huli diyan sa katabing dagat,
masarap yan kung inyong  iihawin o kaya ay ipapangat,
at ang mga halaman at kahoy na bigay sa inyo ay lilim,
magdudulot din yan ng ganda sa inyong mga  tanawin...

No comments:

Post a Comment